Advertisers

Advertisers

Scaffolding gumuhong: 1 patay, 10 grabe

0 179

Advertisers

Isa ang patay habang 10 ang sugatan nang gumuho ang bahagi ng scaffolding ng ginagawang housing project sa Quezon City, nitong Martes.

Ayon kay Elmo San Diego, head ng Quezon City Department of Public Order and Safety, 9:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa itinatayong extension ng affordable housing project ng lokal na pamahalaan sa Santo Kristo, Barangay Balingasa, malapit sa may Balintawak.

“Iniimbestigahan natin ‘yong contractor kung ano talaga nangyari. Apparently, scaffolding ang bumigay.



Siguro marupok kaya nahulog, may mga tao sa ilalim,” pahayag ni San Diego.

Ayon kay San Diego, tigil din muna ang konstruksiyon sa lugar habang patuloy na iniimbestigahan ang nangyari.

“Iimbestigahan muna ‘yon kung ‘yong safety procedures, safety protocols, nasunod nila. Otherwise, pasu-suspend muna natin construction kung hindi nasunod mga regulasyon natin,” wika ni San Diego.

Hindi muna pinangalanan ang mga biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">