Retired judge kulong ng 40 anyos, pinagbabayad pa ng P9.5m sa salang pagpatay sa Judge ng Zamboanga del Norte
Advertisers
HINATULAN makulong ng 40 taon ng korte ng Zamboanga del Norte ang isang retiradong hukom sa kasong murder nang ipapatay nito ang isa pang hukom noong 2019.
Kinilala ang akusado na si Oscar Tomarong, retiradong hukom.
Pinatawan ng Zamboanga del Norte Regional Trial Court Branch 28 si Tomarong sa pagpatay kay Liloy Acting Presiding Judge Reymar Lacaya ng ‘reclusion perpetua’ o pagkakakulong na aabot sa 40 taon.
Dagdag pa rito ay kailangan niya magbayad ng P9.5 milyon sa namayapang hukom.
Nangyari ang insidente Mayo 2019, kungsaan dalawang hired killers ang pumatay kay Judge Lacaya pagkagaling nito sa isang hearing.
Sa report, nadiskubre ng Zamboanga court na si Tamarong ang mastermind sa pagpaslang kay Judge Lacaya, binayaran nito ang dalawang hired killer ng P200,000.
Ibinuking si Tomarong na mastermind sa nasabing krimen ng kanyang driver na si Juliver Cabating.
Ayon sa kaniyang drayber, pinahanap siya ni Tomarong ng mga killer dahil sa galit kay Judge Lacaya.