Advertisers

Advertisers

P4.5-B pondo para sa confidential at intel funds ng OP idinepensa ni ES Bersamin

0 182

Advertisers

IDINEPENSA kahapon ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang proposed P4.5 bilyong pondo para sa confidential at intelligence funds ng Office of the President para sa taong 2023.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on finance, ipinaliwanag ni Bersamin na ang proposed P9,031,722,000 budget ng OP ay kinakailangan upang matugunan ang mga pangangailangan sa international at domestic security.

Ito ay makaraang tanungin ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kung bakit pinanatili ang confidential at intelligence funds ng nakaraang administrasyon habang tinanong din niya kung ito ay naaayon sa 2022-2028 medium-term ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. balangkas ng pananalapi (MTFF).



“Ang napansin ko lang, P4.5 (billion) of this will be confidential and intelligence funds, that’s almost 50% or close to 50%… why did we maintain, ES, the level of the former administration’s confidential and intelligence funds?” pagtatanong ni Pimentel.

“Puwede naman tayo because the President has a medium-term fiscal framework, ang daming mga konseptong magaganda doon, pinagusapan namin ni Chairman ‘yun sa floor ng Senado eh, fiscal consolidation, mayroon pa doong growth-inducing expenditure, mga ganoon ba? So, if we maintain a P4.5 billion confidential and intelligence funds in a single office, are we being consistent with that office’s medium statement of a medium-term fiscal framework?” usisa pa ni Pimentel.

Base sa NEP, ang intelligence expense ay tumutukoy sa mga intelligence information gathering acti-vities ng mga uniformed at military personnel kabilang na ang mga intelligence practitioners, na mayroong direktang epekto sa seguridad ng bansa habang ang confidential expense naman ay tumutukoy sa lahat ng surveillance activities ng civilian government agencies upang suportahan ang mandato at operasyon ng ahensya. (Mylene Alfonso)