Advertisers

Advertisers

Ex-Sen. de Lima balik-PNP Custodial Center na

0 207

Advertisers

NAKABALIK na si dating Senador Leila de Lima sa kanyang orihinal na detention cell sa PNP Custodial Center.

Sinabi ni PNP Headquarters Support Service (HSS) Chief Police Col. Mark Pespes, Huwebes ng gabi pa nakabalik sa kanyang detention cell si De Lima matapos na mabigyan ng clearance ng mga doktor sa PNP General Hospital.

Matatandaang, si De Lima ay na-admit sa PNPGH noong Lunes dahil sa acute coronary syndrome, costochondritis, at hypertension, kasunod ng naranasan niyang pang-ho-hostage noong Linggo.



Ayon pa kay Pespes, tinanggihan ni De Lima ang alok na ilipat siya sa dating detention cell ni Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla Jr.

Una nang inalok ni PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr. na ilipat ng selda si de Lima, dahil sa loob ng kanyang detention cell nabaril at namatay ang kanyang hostage taker.