Advertisers

Advertisers

PBBM BILIB PARIN KAY REMULLA KAHIT NAHULI SA DROGA ANG ANAK!

0 288

Advertisers

SA kabila ng malakas na panawagan ng iba’t ibang sektor lalo ng netizens para sa pagbibitiw ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla matapos maa-resto ang anak nito sa illegal importation ng iligal na droga, ipinagtanggol parin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kalihim. Wala raw basehan para magbitiw ito.

Ang anak ni Sec. Remulla na si Juanito lll ay inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug and Enforcement Agency noong Martes (Oktubre 11) mismo sa bahay nito matapos tanggapin ang controlled delivery ng high-grade marijuana o “kush” mula sa Estados Unidos at nakapangalan mismo sa batang Remulla.

Ang nasamsam na kush sa batang Remulla ay nagkakahalaga ng P1.25 million. Sinampahan na siya ng kasong paglabag sa illegal importation ng iligal na droga at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, na kapag napatunayan ay may parusang pagkakulong habambuhay at multa na P500,000 hanggang P10 million.



Sa panayam sa Pangulo sa PICC nitong Biyernes, sinabi nitong nagagampanan ni Remulla ang kanyang trabaho bilang Kalihim ng DOJ, at walang basehan para bumitaw ito sa puwesto.

Naniniwala rin, aniya, siya sa proseso at mas maiging ipaubaya na lamang na gumulong ang sistema ng katarungan sa sitwasyong kinakaharap sa kasalukuyan ng anak ni Sec. Remulla.

Dagdag pa ng Pangulo, bilang Kalihim ng hustisya ay alam aniya ni Remulla na dapat talagang sundin ang proseso sa hudikatura at wala sa Ehekutibo ang manghihimasok sa isyu.

Una dito, nagpahayag ang pamilya Remulla na hindi sila makikialam sa kontrobersiyang kinakaharap ng kanilang kaanak at hindi gagamitin ang impluwensiya sa kaso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">