Advertisers
NASAWI ang magkapatid na paslit sa isang sunog sa Valenzuela City nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Linea Deocacion, 9 anyos; at kapatid na Leana Casey, 3.
Sa ulat, kalahating oras na tumagal ang sunog sa Urrutia St., Barangay General T. De Leon, na kumitil sa buhay ng mga paslit na nakulong sa palikuran ng kanilang nasusunog na bahay.
Ayon sa report, faulty electrical wiring ang ugat ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Lumabas umano ang ina ng mga bata na si Leny Rose Deocacion, upang patayin ang fuse box, ngunit hindi na ito nakabalik para iligtas ang mga anak dahil sa biglaang kapal ng usok at pagkalat ng apoy.(Beth Samson)