Advertisers

Advertisers

PBBM NAGDEKLARA NG ‘STATE OF CALAMITY SA REGION 4-A, 5, 6 AT BARMM

0 231

Advertisers

ISINAILALIM na sa state of calamity sa loob ng anim na buwan ang mga rehiyon na lubos na nahagupit ng bagyong Paeng.

Batay sa Proclamation No. 84 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nilagdaan nitong Miyerkules, Nobyembre 2, nasa state of calamity ngayon ang Region IV-A (Calabarzon), Bicol Region, Western Visayas, at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Dahil sa lawak ng pinsala dulot ng nagdaang bagyo tatagal ang state of calamity ng anim na buwan, maliban na lamang kung babawiin ng Punong Ehekutibo.



Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng rescue, recovery, relief, at rehabilitation efforts gayundun ang mga departamento at iba pang tanggapan na makipag-ugnayan sa local government units para siguruhin na maibibigay ang basic services.

“All departments and other concerned government agencies are also directed to coordinate with the LGUs to provide or augment the basic services and facilities of affected areas,” nakapaloob sa proclamation na pinirmahan para sa pa-ngulo ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Inutusan naman ang law enforcement agencies at Armed Forces of the Philippines na siguruhin na mananatili ang peace and order.

Ipatutupad din ang price freeze sa mga bilihin sa mga lugar na nasa state of calamity.
Pumalo na sa mahigit 100 katao ang nasawi habang nasa 1.4 milyon katao ang naapektuhan dahil sa bagyong Paeng. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">