Advertisers
MAHIGPIT na ipatutupad ang “no Beep card, no ride” policy sa mga pasahero ng EDSA Busway System simula sa araw ng Huwebes, Oktubre 1.
Inanunsyo ito ng Department of Transportation (DOTr) bilang bahagi ng hakbang ng naturang ahensya para sa cashless transactions na makatutulong na mabawasan ang physical contact sa pagitan ng mga pasahero at service providers.
Maliban dito, makatutulong din itong mabawasan ang posibilidad na mahawa ng COVID-19.
Sa ganitong paraan, magiging mas mabilis na rin ang transaksyon at mababawasan ang paghihintay ng mga pasahero.