Maynila, humakot na naman ng karangalan!
Advertisers
PINURI at pinasalamatan ni MANILA Mayor Honey Lacuna ang mga kalalakihan at kababaihan na nagtatrabaho sa likod ng pamahalaang lungsod sa muling paghakot ng karangalan ng kabisera ng bansa.
“Nakaka-proud na maging bahagi ng lungsod dahil nakikilala ang mga effort sa pagbibigay ng tamang serbisyo at nabibigyan ng parangal dahil ginagawa natin ang ating mga tungkulin,” sabi niya.she
Ipinagmalaki ni Lacuna ang mga karangalan natanggap ng pamahalaang lungsod sa Cities and Municipalities Competitiveness Summit, na kinabibilangan ng : 2nd in overall most competitive for highly urbanized cities; 2nd place most competitive in innovation and intellectual property filers; fourth place, most competitive in economic dynamism; 5th place, most competitive in resiliencey at 1st place most competitive in infrastructure. Partikukar na pibasalamatan din ng alkalde ang City Engineer’s Office sa pamumuno ni Engr. Armand Andres.
“Napakalaking karangalan po sa lungsod ng Maynila ang makilala bilang 2nd place overall most competitive sa highly urbanized cities,” sabi ni Lacuna.
Inanunsyo din ni Lacuna na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay nabigyang pansin sa paghawak nito ng pananalapi noong Oct. 26 nang igawad ang karangalang “local revenue generation hall of famer” at sa pagkopo nito nang ikatlong puwesto sa buong bansa bilang highest locally-sourced revenue para sa taong 2018 hanggang 2020. Ang certificate of achievement ay ipinagkaloob ng Department of Finance at Bureau of Local Government Finance.
“Ibig sabihin, ‘yung galing talaga sa atin…sariling sikap. In other words, ‘sariling sikap’ at hindi galing sa labas. Isa lang Isa lang po ang ibig sabihin niyan— ang ating pagiging masinop sa pananalapi ng ating lungsod. Kami naman po ay transparent at palaging nagre-report sa inyo at masaya kaming nakikilala ang pagiging masinop ng ating lungsod,” paliwanag ng kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila.
Samantala ay ginawaran din ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng special recognitions para sa anti-drug abuse council (rating, highly functional); council for protection of children (functionality audit- ideal); local peace and order (highly functional); LGU compliance assessment, Manila bay cleanup, rehabilitation at preservation program, (highly compliant). Ang Maynila pumanglima rin sa “2022 Lupong Tagapamayapa” incentive award.
Inalay ni Lacuna ang mga karangalan natamo ng lungsod sa lahat ng nagpapamalas ng kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho, upang matulungan sa lahat ng paraan ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng inoukupa nilang posisyon. (ANDI GARCIA)