Advertisers

Advertisers

Amor, Amore, Amores!

0 190

Advertisers

Ang Amor sa Kastila ay love. Sa Italyano ito naman ay Amore. Kaya ang Amores ang plural nito.

Ire naman si John Amores ay basketbolista ng Jose Rizal University Heavy Bombersna sa halip na bumuslo lang ay nagpakawala ng mga tira na mga suntok. Nag-amok nga na ang pangalan pa naman ang ibig sabihin ay pag-ibig sa ating wika. Aba’y tatlo sa katunggaling Blazers ang bagsak.

Ang ironic ay noon nasa Light Bombers pa siya ay pinarangalan pa ng Sportsmanship Award noong 2018.



Tapos pagdating sa kolehiyo ay naiba ang ihip ng hangin. Nasangkot sa basketbrawl noong pre-season at isa pang regular game. Nademanda pa nga sa korte sanhi ng gulo.

Wala talagang puwang ang ganitong asal sa sports lalo pa sa amateur league gaya ng NCAA na hinuhubog sa tama ang mga student-athlete.



Kahit pa sabihing nauna manakit ang katapat na hindi nahuli ng referee ay hindi ito sapat para ka magwala. Naku televised pa nationwide ang masamang ginawa. Gagayahin pa yan ng iba na nakapannod.

Lifetime ban sa torneo ang karampatang parusa at dagdagan pa kamo ng demanda sa hukuman. Magsisilbing aral yan sa lahat.



Kahiya din ang insidente kay Dr Jose Rizal kung saan nanggaling ang name ng school niya.

Si Ka Pepe rin nagturan na nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.

Teka baka dapat lipat siya ng boksing tutal ang tapang at lakas ng kanyang kamao.

Baka siya papalit kay Manny Pacquiao.

***

Pinalad na makasama si Mang Tomas sa Holy Land pilgrimage na kabilang ang Egypt, Israel at Jordan sa package. Ayon sa kanya ang dala wa nilang tour guide na mga nasa edad na fiftyish ay si Michael Jordan kanilang paboritong NBA player. Bagama’t football at handball ang popular na sport sa bansa nila ay nakakalaro rin sina Sharref at Osama ng basketball noong kanilang kabataan. Si MJ din daw ang para sa kanila ang GOAT.

Sayang daw eka ni Tomas Talas na taliwas ang sked ng Gilas Pilipinas na laban kontra sa Jordan. Mas maaga siya nandoon ng isang linggo. Kung swak daw ay tiyak manonood siya ng live na game sa venue sa Amman. Iba nga naman masaksihan mo ang national team sa ibayong-dagat.

***

Ngayong araw ang mga kaarawan nina Russell Westbrook at Norman Black. Pero sana gumanda na mga kartada ng kani-kanilang mga koponan. Si Coach Norman ng Meralco ay 65 na taon na samantalang si Russell W ng LA Lakers ay 34 años na. Mapagpalang kapanganakan sa inyo! More Ws for you two!