Advertisers

Advertisers

VP Leni: Walang dahilan para i-postpone ang 2022 elections

0 254

Advertisers

HINDI kumbinsido si Bise Presidente Leni Robredo sa panawagang i-postpone ang eleksiyon 2022 dahil sa banta ng COVID-19 sa bansa.
Kinatigan ni Robredo ang pahayag ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi puwedeng kanselahin ang halalang 2022.
“Nagsalita na ang COMELEC na hindi ipo-postpone, kasi iyong pinaghahandaan nila ngayon ay iyon scenario na 2022 may COVID pa rin,” ani Robredo.
Sinabi pa ni Robredo na nagawa ng ibang bansa na matuloy ang kani-kanilang eleksiyon sa gitna ng kinakaharap na pandemic crisis.
Pasaring pa ng Bise Presidente, walang dahilan para hindi matuloy ang halalan sa 2022 kung nagawang buksan ng gobyerno sa publiko ang turismo at Manila Bay.
Matatandaan na inihirit ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo sa Kamara na kung maari ay ipagpaliban muna ang 2022 election dahil sa nakakaalarma ang hawaan ng COVID-19. (Josephine Patricio)