Advertisers

Advertisers

P251.6-M SHABU NASAMSAM SA CAVITE AT LAGUNA

0 231

Advertisers

MAHIGIT sa P 255 million halaga ng shabu ang nasamsam ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP- DEG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy bust operations sa Imus City, Cavite at Quezon City.

Nadakip sa operasyon sina Datu Ali Dayo Sampulna, 38 anyos; asawang si Almira Karao, 30, kapwa taga Cotabato City; at Mansawi Lala, 38.

Ayon kay Brigadier General Narciso Domingo, direktor ng PNP-DEG, 7:20 ng gabi nang isinagawa ang buy bust operation ng mga elememto ng CALABARZON Drug Enforcement Group Special Operation Unit sa Happy Homes, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City.



Nasamsan ng mga operatiba ang 36 kilos ng shabu na nakalagay sa isang styrofoam box na nagkakahalaga ng P251.6 million, mga cellphone, identification cards at remittance receipts.

Samantala, nasa 500 grams ng shabu na nagkakahakaga ng P3.4 million ang nakuha ng mga elemento ng PDEA sa isang drug personality sa buy bust operation sa Quezon City 3:50 ng hapon sa harapan ng SM North Edsa Brgy. Bagong Pag-Asa at Brgy. Sto Cristo,.

Naaresto sa operasyon si alyas “Lala”.(Mark Obleada)