Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
DATI nang nagpakitang gilas ang magaling na aktor na si Royce Cabrera sa Cinemalaya movie na Fuccbois.
Katunayan, dahil sa kanyang markadong role sa nasabing pelikula, nalinya siya sa mga sexy roles.
Naging pantasya rin siya ng mga matrona at kabadingan sa pagiging daring niya sa nabanggit na movie.
Sa pelikulang Broken Blooms, muli na namang hinangaan ang kanyang galing bilang walker na nagbebenta ng aliw na pinsan ng bidang si Jeric Gonzales.
Kinaelyahan ng maraming nanood ng premiere night ng pelikula ang eksena na wagas ang kanyang pag-ungol habang ino-oral sex ng isang bading na customer.
Dahil din sa husay niya, lumabas na para siyang PRO pagdating sa flesh trade.
Kaya naman hindi maiwasang maurirat siya kung paano niya nabigyan ng justice ang kanyang pagiging natural sa kontrobersyal na blowjob scene.
“Bale nag-research po ako,” sey niya sabay hagalpak ng tawa.
“Hindi po kasi ano po e, kumbaga kailangan maging effective yung eksena. So parang ampangit naman kung ipepeke mo yung ganung bagay di ba, tapos knowing na maganda naman yung material so baka imbes maging one of the highlights maging isa pa sa maling eksena,” paliwanag niya.
Dahil sa kanyang performance, may mga nagbabansag tuloy na siya na ang kapanta-pantasyang bagong Ungol King.
Ang Broken Blooms na produksyon Ng BenTria Productions at idinirehe ni Louie Ignacio mula sa panulat ni Ralston Jover ay mapapanood na sa mga piling sinehan simula sa Disyembre 14.
Pinagbibidahan nina Jeric Gonzales at Therese Malvar, tampok din sa pelikula sina Norman “Boobay” Balbuena, Jaclyn Jose, Lou Veloso, Ivan Austria, Mimi Juareza, Cherry Malvar, Rico Barrera, Rajah Montero at iba pa.