Advertisers

Advertisers

BELA PADILLA, TECH CEO ANG BAGONG BAGONG DYOWA

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

KINUMPIRMA ni Bela Padilla na walong buwan na silang magkarelasyon ng tech CEO na si Martin Tan.

Sa TikTok interview ng Johnny K | Meet Cutes Manila, sinabi ng dalawa na nagkakilala sila sa pamamagitan ng isang mutual friend.

Ayon kay Bela, agad silang nagka-connect dahil pareho silang mahilig sa pelikula.

Ibinahagi naman ni Martin na hinahangaan niya kay Bela ang talino, pagiging funny at kagandahan nito.

Samantala, sinabi ni Bela na gusto niya ang pagiging game ni Martin sa iba’t ibang bagay, kabilang ang maagang pagpunta sa mga palengke.

Aminado rin siyang pogi ang boyfriend.

Ibinahagi ni Bela na kapag may pinagdaraanan siya, nagpaplano si Martin ng trip para sa kanila, lalo na beach getaways.

Para naman kay Martin, naa-appreciate niya ang maliliit na notes na iniiwan ni Bela sa kanyang work bag.

Noong Pebrero, sinabi ni Bela na handa na siyang magkaroon muli ng relasyon matapos ang mahigit isang taong pagiging single.