Advertisers

Advertisers

TAMANG HAKBANG

0 6

Advertisers

Umaayon na tama ang hakbang na nilandas ng liderato ng hukom-senado sa pag-iimbita sa mga dating punong mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman upang magbigay liwanag sa usaping nasa harap. Pugay kamay, masigabong palakpakan at pagyuko bilang pagsang-ayon sa hakbang na ginawa na daan tungo sa higit na pag-unawa ng bayan sa usaping pinag-uusapan, ang tamang bilang na kailangan sa hatol na masipa o mapawalang sala ang abalang pangulo sa pwestong tangan at maalis ang Karapatan na makahabol sa susunod na halalan. Sa mga mahistrado na nagbigay ng tindig hinggil sa tamang bilang ng hukom-senador na dumidinig sa usapin, nagkakaisa ang tatlo o apat na punong mahistrado na labing anim sa dalawampu’t apat na hukom-seandor ang kailangan ng pagsangayon upang maganap ang pagsipa kay Inday Salakay. Subalit, may banggit ang mga dating punong mahistrado na ‘di sarado ang saligang batas sa pagkakatitik sa banggit na bilang higit sa kalagayan na umiiral sa panahon ng paglilitis, nenene.

Sa kabilang banda ng nagkakaisang tindig ng mga punong mahistrado, tila may ibang tindig ang isang dating mahistrado na sarado sa pag-unawa sa titik ng saligang batas, ang labing anim na bilang ng pagsang-ayon ng mga hukom-senador pasyang dapat at opisyal. Kakaiba ang tindig ng mahistrado na daan na nagpakaba sa marami na maaring umabot sa kasalukuyang Kataas taasang Hukuman ang usapin sa harap ng hilong-talilong na si Mang Juan. Sa usapin, napagnilayan ang tindig ng bawat mahistrado nagbigay ng kani-kanilang tindig na tila gapi ang tindig ng saradong pag-iisip ng mahistrado na ‘di nasilip ang puntong tinukoy ng ibang panauhin na nakatitik sa Saligang Batas, ang kalagayang umiiral na panahon sa paglilitis.

Sa punto ng isang dating punong mahistrado, naniniwala na kailangan ang presensiya ng huhusga sa usapin upang matuunan ang galaw, sagot at kilos ng mga saksi sa pagdinig na daan sa pasyang gagawin. Muli, ang dahilang banggit ang daan sa hukom-senador na namnamin ang tapat na paglalahad o nagsasabi ng pawang katotohanan ang nakasalang o isinalang na saksi sa pagdinig. Sa kilos o galaw ng mga saksi na humarap sa pagdinig higit sa mga tanong na ipinupukol ng mga taga-usig maging ng kakamping tagapagtanggol makakabuo ng konklusyon ang mga hahatol kung pawang katotohanan ang sinaad ng saksi o mga saksi. Payak ang pagsasaad ng dating mahistrado ngunit maglilinaw sa kamulatan ng mga hukom-senador sa pagpapasyang gagawin. At malinaw na lalabas ang tanong, paano aabot sa tamang hatol kung wala sa lugar ng usapin?

Sa ibang paglalahad ng ibang dating mahistrado, hindi matatanong ang sino mang huhusga na hukom-senador sa hatol na gagawin sa dahilan ng kanilang presensiya sa panahon ng paglilitis. Ang nadinig, ang nakitang kilos at ang damdamin sa paglilitis ang ganap na dahilan na ‘di mapapasubalian sa pasyang nagawa o magagawa. Ang nakita ng mata at narinig ng tenga ng mga hukom na tuwirang nakaupo sa lingkuran ng pagdinig huhugutan ng pasya sa dulo ng pagdinig. At ang dahilan na ‘di dapat na makasama sa pagpapasya ang mga hukom-senador na wala sa dinidinig na usapin. Walang pagtukoy sa sinong hukom-senador na wala sa pagdinig, ang pina-aabot, ang tamang pasya magaganap sa loob ng hukom-senado ay magagawa lamang ng mga nakilahok sa usapin.

Sa banggit sa itaas, ganap na masalimuot ang usaping nasa harap ng bayan, ang pagpapasipa kay Inday Salakay hindi dahil mahalaga ang pwestong tangan bagkus ang salang paggamit ng salaping bayan na umabot sa kawalan. Sa katunayan, walang usapin ang pag-uusapan kung tama ang pinaggamitan ng salaping inilaan sa tanggapan na pinamunuan ni Inday Salakay. Hindi ang personalidad ng abalang pangulo ang naisalang sa usapin, ang salang paggamit ng pera ng bayan na nawala na parang bula. At natuwa sa hakbang na ginawa ng liderato ng senado ng imbitahan ang mga mahistrado na nagbigay liwanag sa maaring pagpapasya na gagawin ng hukom-senado sa likod ng ‘di kumpletong bilang ng mga kinatawan na dumidinig sa usapin.

Malaking ambag ang naganap na pagpapaliwanag ng mga nahistrado na paghuhugutan ng pasyang igagawad ng mga hukom-senador na ‘di lumiban sa ginawang pagdinig sa kapulungan. Sa hakbang na ginawa, naunawaan ng bayan na ganap na makatuwiran ang magaganap na pagpapasya sa likod ng kakulangan sa bilang ng mga senador na duminig sa usapin. Silip ang mga kadahilanan ng mga senador na wala sa pagdinig na pinagbasihan ng mga tindig na isinaad ng mga dating mahistrado ng kataas-taasang hukuman sa sinasaad ng saligang batas. Umaasa na matutuldukan ang usapin sa pagpapasyang gagawin ng hukom-senador at ‘di aabot sa Kataas- taasang Hukuman.

Sa pagdamdam sa tindig ng mga dating mahistrado higit ang banggit ng dating punong mahistrado mula sa Cebu, ang mga senador na wala sa pagdinig ay ‘di kabilang na kasapi ng senado sa pagpapasyang gagawin. O’ tuwirang paglalahad ang mga hukom-senador na kasama sa panahon ng pagdinig ang may Karapatan sa pagpapasya. Walang pagbabanggit sa pasyang gagawin ng mga hukom-senador, ang pinagtutuunan ang humatol ayon sa pagnamnam sa usaping nasa harap. Sa totoo lang, walang pagkiling ang pagbibigay ng tindig na dapat sa mga hukom-senador, ang usaping nasa harap ay sa kung paano tatanggapin ng nasasakdal o ng bayan ang pasyang gagawin ng mga hukom-senador dahil sa ‘di ganap na buo ang bilang na dalawampu’t apat. Ang maliwanag na tindig ng mga panauhing dating mahistrado, ang bilang na dalawang-katlo ng kabuuan na nasa pagdinig ang magpapasya. Maliwanag na ‘di mabibilang ang tindig sa usapin ng mga senador na wala sa loob ng hapag ng senado sa pagpapasyang magaganap.

Malinaw ang tindig ng mga dalubhasa sa batas, ang mga hukom-senador na dumidinig sa usapin ang magpapasya at ‘di kabilang ang senador na wala o lumiban sa kapulungan. Ang kagalingan sa usapin ng bilang, nasa loob ng hukom-senado ang takdang bilang na magpapasya. Walang banggit sa kung may-sala o wala ang nasasakdal, ang inaayunan at ikinagalak ang tamang hakbang na tinahak ng pamunuan ng senado sa pag-imbita at alamin mula sa mga dalubhasa sa batas na ‘di masasayang ang pagdinig na tinustusan ng bayan. Muli, walang pagkiling sa paghahatol na gagawin ng mga hukom-senador, ang kinagagalak ang kalinawan na‘di masasayang ang nagaganap na pagdinig sa dulo ng pagpapasya.

Maraming salamat po!!!!