Advertisers
Sa mga ikinikilos ng Ehekutibo at Lehislatura, nababanaagan na ang Pagsasabatas ng Anti Dynasty Law — na kung wawariin mo ay isang “milestone achievement ever to refine the political scene in our country”.
Nasabi ko ito dahil sa ilang taon akong lumalahok sa halalan “in the exercise of my right to suffrage”, na halos lahat ng mga kalahok sa pulitika ay— kung di mag-ama, mag-asawa, mag-kapatid at kung ano pa mang antas ng relasyon sa dugo at pagka-kamaganakan ay matutuldukan na sa wakas. Ang hakbang na ito ay matagal nang inaasam-asam ng madlang PILIPINO dahil sa talamak na pandarambong o pagnanakaw o paglaganap ng abusadong kapangyarihan na kalimitan ay nauuwi sa anarkiya sa lansangan at sa sari-saring paglabag at pagwawalang bahala sa mga umiiral nating batas panlipunan.
Social Media ang nagbunghalit sa mga kalabisan at pangaabuso ng mga pulitiko sa ating mga batas — na halos dalawa o tatlong kaganapan sa loob ng iilang buwan lang ang pagitan. Saan ka nga naman nakakita ng umaabot sa hanggang 400 fully armed able-bodied personnel na pasahod ng gobyerno ang iyong security force?! Sa isang banda, sa simpleng regulation na mahigpit na ipinatutupad para maibsan ang jam-packed traffic e ganuon na lang labagin ang Yellow Bus Lane sa Edsa ng isang kongresista na anak ng Senador na kapwa magkasama sa isang party list?
Saan ka nakakita ng isang buong pamilya na pulitikong kilalang-kilala ay aktibong may mga puwesto sa Senado at Kongreso? O sa probinsya na mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa Barangay Tanod ay may kadugo o kaanak?
Panahon na para tuldukan ang mga mapang-aping kalakaran at kaganapang ito … sa banyagang salita: “their presence is an unhealthy sight”…nakakasukang masdan ang isang pamilya na ang “hanapbuhay ay pulitika !!!”