Advertisers

Advertisers

Poseidon, kampeon sa Biazon Swim Cup

0 177

Advertisers

NAKOPO ng Poseidon Swimming Team ang overall team championship sa katatapos na 1st Ruffy Biazon Swim Cup sa bagong gawang Olympic-sized indoor Muntinlupa Aquatic Center sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.

Nasungkit ng Poseidon ang kabuuang 320 puntos mula sa pinagsamang kampanya sa Class A hanggang D laban sa mahigpit na karibal na Eastern Aquatics Swimming Team at Dax Swim Squad. Pumuwesto sa top 7 ang Sharpeedo Swim Team, Pasig Rave Barracudas Swim Team, De La Salle University Dasmariñas at Bosay Resort Aquatic Club.

Pinangasiwaan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon kasama sina Swim League Philippines (SLP) president Fred Ancheta at Executive Director Philbert Papa ang pagbibigay ng mga medalya, sertipiko at tropeo sa mga nagwaging swimmers at participants sa torneo na isinagawa kasabay sa inagurasyon ng modernong Aquatics Center at pagdiriwang sa ika-105 taong pagkakatatag ng Muntinlupa City.



“Masayang-masaya kami at nakapaghost ang Muntinlupa City ng isang organisadong torneo sa tulong ng isang organisadong asosasyon ang SLP. Umaasa kami na masisimulan nito ang matagal nang hangarin ng Pamahalaang Panglungsod na maisulong ang katatagan sa kabuhayan at maging sentro ng sports ang Muntinlupa,” pahayag ni Biazon.

Hinikayat ni Biazon ang iba pang sports group na makipagtambalan sa Muntinlupa at makipagtulungan para maisulong ang isang matatag na programa sa sports at makatulong sa paglinang ng talent na magagamit ng bansa sa international competition.

Gayundin, hinikayat ni Biazon ang mga kabataan na hindi nakasali sa torneo na lumahok sa isasagawang Holiday Swim sa Sabado (Dec. 10).

“Umabt tayo sa mahigit 1,000 swimmers sa Swim Cup. Pasensya na po pero yung hindi mga nakasali welcome po kayo sa Sabado sa aming Holiday Swim” aniya.

Iginiit naman ni Ancheta na inahahanda na ang memorandum of agreement (MOA) para maging opisyal na tahanan ng SLP swimmers ang MAC.



“Mas maraming tournament na tayong magagawa at mas maraming venue na ang puwedeng magamit para sa sports development ng swimming,” saad ni Ancheta.

Tinanghal na Most Outstanding Swimmers tangan ang pinakmataas na puntos sa kani-kanilang age category sa boys division sina Kyle Bagusto, Marcus Johannes De Kam, Amber Araño, Wyatt Santos, John Patrick Leo Hondrade, Julian Louwers De Kam, Kristoff David, Emerson Matienzo, Joaquin Sto. Domingo, Chris Jimuel Mallari.