Advertisers

Advertisers

Lady Bulldogs tinambakan ang Lady Archers ng 32 points

0 87

Advertisers

TINAMBAKAN ng NU Lady Bulldogs ang DLSU Lady Archers, 93-61 sa Game One ng UAAP Season 85 women’s basketball finals sa Araneta Coliseum Miyerkules.

Ang DLSU ang tanging team na dumaig sa Lady Bulldogs ngayong season, at pumutol sa kanilang 108-game win streak.

Pinamunuan ni Mikka Cacho ang opensiba ng Lady Bulldogs sa iniskor na 16 points on 5-of-7 shooting,four rebounds,three assists, one steal, at one block sa kulang 18 minutong aksyon.



Rhocel Bartolo nagdagdag ng 12 marka habang si Surada nagtapos ng 10 points, seven rebounds,two assists at one steal.

Fina Naintcho Tchuido ang namuno sa La Salle sa kinamadang 18 points,one assists at one steal.

Puntirya ng NU na masungkit ang titulo sa Game 2 sa Linggo, December 11, sa Mall of Asia Arena.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More