Advertisers
NUMERO unong sport ang basketball sa Pilipinas.Gising at mahilig sa larong ito pati mga paslit. Sa totoo lang, ang takbo ng aktibidades at mga sistemang umiiral ay ikinukumpara sa basketbol dahil talagang magkahalintulad. Silipin po natin ang isa sa mga bagong kontrobersya sa liderato ng KOMISYON SA WIKANG FILIPINO, isang ahensiya ng pamahalaan na nagpapayabong at nangangalaga sa kapakanan at kagandahan ng sarili nating wika.
Nitong Disyembre 5 ay naghayag at nagbunyag ngimpormasyon sa Media si Chairman ARTHUR P. CASANOVA tungkol sa tumbokna power grab sa hanay ng pamunuan, isang tema na parang basketbol,may foul, sakitan, sipaan at tulakan para sa agawan ng bola, koponanlaban sa koponan. Yun lang, sa halip na 3, 2 versus 2 ang nasa gitnang arena.
Sina Chairman ARTHUR CASANOVA at staff RINA PONDAME ay illegal na ipinasuspinde ng 2 Komisyuner, BENJAMIN M. MENDILLO, JR.at CARMELITA ABDURAHMAN na tanging pumirma sa resolusyon mula sa bilang na 8 Komisyuner. Sigaw ni Dr. CASANOVA, ‘ILIGAL” angsuspension, ‘FOUL’! Ayon sa ruling, tanging Pangulo ng bansa ang maaring magbaba ng suspension at dapat ay pirmado o pinahintulutan ng lupon ng 8 Kumisyuner.
“Noong Nobyembre 29, nag-atas sina Com CARMELITAABDURAHMAN at BENJAMIN MENDILLO, JR na pagbawalan kami ng staff kongsi RINA PONDAME na pumasok sa KWF, dahil sa kanilang ipinalabas na mgabogus at iligal na memorandum ng suspension noong Nob 28, patuloyhanggang Disyembre 2 sa kabila ng pahayag ng guwardya na hindi maaringpigilan pumasok hanggat walang atas mula sa Office of the President.
Silang dalawa na raw ang gumagalaw dahil matagal umaksyon ang Office of the President.”
Ang kapangyarihan ng pagpapaalis sa kanya ay nasa kamayng Presidente at Office of the Ombudsman na didinig saadministratibong kaso, base aniya sa Republic Act (RA) 7104, 2017Implementing Rules and Regulations (IRR), sa Administrative Code atiba pang kaugnay na batas. Habang walang atas ang CIVIL SERVICECOMMISSION, hindi masususpinde ang permanenteng kawani ng gobiernotulad ni RINA PONDAME.
Ang mas malala, pinagbintangan umano ni MENDILLO na‘binantaan syang papatayin’ ni CASANOVA nang pumunta sa opisina nito.
‘Hindi kaya batid na may mga CCTV na magpapatunay na hindi sya tumapaksa aking tanggapan?” Ibinalita umano sa gc ng mga kawani ang ‘gawangkwento ni MENDILLO’, ni ABDURAHMAN, ang isinusulong niyangOCI/Chairman.
May kasunod pang eksena na ipinasasara ni MENDILLO sa mgasumunod na araw ang CCTV room. Dinidiktahan umano ang bawat kawani.
Ang ugat ng gulo, pinaimbestigahan ni DR. CASANOVA sa NATIONAL BUREAUOF INVESTIGATION (NBI)- may anonymous email na umikot, ‘IMMORALITY saKWF OFFICE’ may mga larawan at video ng ‘sweetie at holding handsmoments’ ni MENDILLO sa isang KWF female staff.
“Pinatalsik ang aking Executive assistant at 9 pang kawani,walang due process.” Si CASANOVA ang pinag-initan at suspect nila angstaff bilang source ng email. ‘Ako po ang nagrekomenda sa kanya (MENDILLO) para maging full time commissioner sa KWF’, puro kabaitanang ipinakita ko sa kanya.”
Kung ‘referee’ ang mga guwardya, aabangan ang desisyonng Malakanyang at Ombudsman, kumbaga sa basketbol, League Commissionerat Board Members ang dapat kumilos at magbaba ng desisyon. Interesting! HAPPY READING!