Advertisers
PAMUMUNUAN ni World Soft Tennis Championships veterans Bien Zoleta at Joseph Arcilla ang 15-miyembro ng Philippine team sa Poland Cup simula Hulyo 4 hanggang 9.
Iba pa na kasama sa lineup ay sina Princess Catindig, Christy Sañosa, Bea Ebriega, Shyryn Salazar, Airies Nuguit (rookie), Patrick Mendoza, Adjuthor Moralde II, Sherwin Nuguit at Jason Caminting.
Head coach Michael Enriquez at deputies Josephine Paguyo, Wenifredo De Leon at Mark Anthony Alcoseba ay kasama rin sa delegation.
Ang Poland Cup ay bahagi sa preparasyon ng team para sa Asian Championships na naka iskedyul mula Setyembre 13 hanggang 23 sa Mungyeong, South Korea.
“The goal is to reach the podium again,” Wika ni Zoleta sa panayam habang hinihintay ang flight patungong Poland Miyerkules ng hapon.
Catindig at Arcilla, na parehong sumabak sa Chiba, at iba pang kasama ay excited na ipakita ang kanilang kakayahan sa Poland Cup, ang kanilang unang international tournament ngayon taon.
Ang Pilipinas ang nanguna sa medal tally board sa 2023 Cambodia SEAG, nagwagi ng three gold medals mula kay Arcilla (men’s singles), Zoleta at Catindig (women’s doubles), at ang women’s team ni Zoleta at younger sister Bambi, Catindig, Sañosa, Fatima Ayesha Amirul at Virvienica Isearis Bejosano.
Bien Zoleta, na nagbulsa ng mixed at team bronze medals sa 2011 SEAG sa Palembang, Indonesia, ang pangatlong Filipino na nagwagi ng bronze medal sa World Soft Tennis Championships (2015, India) matapos ni Paguyo (1995, Japan) at Arcilla (2011, Korea).[/vc_column_text][/vc_column][/vc_row]