Advertisers
MAINIT na pinag-uusapan ngayon kung sino ang papalit sa puwesto ng yumaong Communist Party of the Philippines (CPP) funder Joma Sison.
Posible raw si Benito Tiamzon, ang kasakukuyang Chairman ng CPP.
Pero gurang na si Tiamzon, 71 anyos na. Sakitin narin ito at nagtatago.
Nahuli na itong si Tiamzon at kanyang misis noong panahon ni late President Noynoy Aquino. Pero pinakawalan ni ex-President Rody Duterte para sana sa peacetalk. Kaso hindi natuloy ang peacetalk. At hindi na nagpakita si Tiamzon.
Maari ring pumalit si Marco Valbuena, ang chief information officer ng CCP.
Pero nagtatago sa kanyang tunay na pagkatao si Valbuena. Hindi niya ipinakikita ang kanyang mukha sa publiko ‘pag siya’y kinakapanayam ng media.
Sabi ng dating kadre ng NPA na si “Ka Eric” na nagbalik-loob sa gobyerno at siyang nagtuturo ngayon sa mga pinagkukutaan ng mga dati nilang kasamahan sa undergound, si Marco Valvuena ay si Amante Jimenez, ang dating opisyal ng League of Filipino Student (LFS).
Sabi ng aking mga kapatid sa propesyon, malamang na bata ang ipapalit kay Sison. Kung sino ito, yan ang tinatrabaho ngayon ng mga awtoridad.
***
Patindi nang patindi ang bakbakan nina Bureay of Correction (BuCor) acting Chief Gregorio Catapang at suspended BuCor Chief Gerald Bantag.
Inaamoy ni Catapang ang mga “baho” na iniwanan ni Bantag sa BuCor partikular sa New Bilibid Prison (NBP). Pinagsalita niya ang mga gang leader sa Bilibid na nakatikim ng pananakit daw ni Bantag.
Eh sino pa ba ang uutos kay Catapang para idiin si Bantag, siguradong si Justice Secretary “Boying” Remulla na naunang nagkaroon ng word war kay Bantag.
Lumutang narin ang kanang kamay ni Bantag na itinuturong isa sa mga utak sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid at middleman Jun Villamor na si Colonel Ricardo Zulueta.
Itinanggi ni Zulueta na may kinalaman siya sa pagpaslang kina Lapid at Villamor. Malamang daw na drug lords ang nagpapatay sa brodkaster dahil madalas talakayin ng huli sa kanyang programa sa radio ang kalakalan ng droga sa NBP.
Si Zulueta ay “bata-bata” ni Bantag simula pa nang magkasama sila sa BJMP sa Paranaque City Jail.
Sabi naman ni Sec. Remulla harapin nalang nina Bantag at Zulueta sa korte ang mga reklamo laban sa kanila.
Subaybayan!
***
Sinibak na ni PNP Chief ang limang gagong pulis na kumidnap at kumulimbat sa ilang milyong cash ng isang e-sabong executive sa Laguna noong 2021.
Ang mga tinanggal sa serbisyo ay sina SSgt. Daryl Paghangaan, Pat. Roy Navarete, Pat. Rigel Brosas, Lt. Henry Sasaluya, at MSgt. Michael Claveria.
Sina Paghangaan, Navarete at Brosas ang dumukot sa e-sabong executive na si Ricardo Lasco kungsaan nagpanggap ang mga ito na NBI operatives.