Advertisers

Advertisers

Covid update: 771 gumaling; 57 nasawi; 2,415 bagong kaso

0 474

Advertisers

UMAKYAT na sa 314,079 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,415 infection kahapon, base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon.
Nasa 54,294 naman ang active cases.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 727 bagong kaso.
Sinundan ito ng Region 4A na may 450 at Region 3 na may 162.
Nakapagtala naman ang DOH ng 771 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 254,223 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ang DOH ng 59 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,562 na ang kabuuan.
May 30 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 19 dito ay recovered cases at isang nasawi ang tinanggal.
Samantala may 17 kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)