Advertisers

Advertisers

Mister iniwan ni misis hinostage 4 pamangkin

0 147

Advertisers

Kulong ang isang lalaki na iniwan ng asawa nang mang-hostage ng mga pamangkin sa sa Champaca St., Punta, Sta. Ana, Maynila nitong Linggo, Enero 8.

Sinabi ng Manila Police District (MPD) na naaresto nila ang suspek 5:14 ng hapon. Kinilala ang suspek na si Robert Senarillos Buhisan, 35, residente ng Sta. Ana Manila.

Kinilala ang mga biktima na sina Alexis Buhisan Ilagan, 18; at dalawang menor de edad na may edad 15 at 17, pawang mga residente ng Sta. Ana Manila.



Nailabas ng mga rescue volunteer, mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang mga hostage 5:10 ng hapon.

Sinabi ng pulisya na ang mga biktima mga pamangkin ng suspek.

Ayon kay Henry Bacones, 47, kapitbahay ng suspek at mga biktima, 12:00 ng tanghali nagsimula ang pag-hostage. Aniya, may gunting ang suspek at posibleng lasing.

Nang dalhin sa pulisya, inamin ni Senarillos ang ginawang pangho-hostage.

Ayon sa suspek nagawa lamang umano ito dahil iniwan siya ng kanyang asawa.



Sinabi ng mga operatiba ng MPD na iniimbestigahan pa nila ang insidente.