Advertisers
HALOS 600 na na mga General at full-pledge Colonel ng Philippine National Police (PNP) ang nagsumite ng kanilang “courtesy resignation” bilang tugon sa panawagan ni Interior and Local Secretary Benjamin Abalos kaugnay ng pagkakangsakot ng ilang opisyal sa iligal na droga.
Ayon kay PNP Chief, General Rodoldo Azurin Jr., mahigit sa 500 Generals at Colonels ang nagsumite ng courtesy resignation mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
“As of yesterday, we were able to account more or less 500 to close to 600 as reported ng mga different region, different units namin. Ang nagmo-monitor niyan is the DPRM and bale yung iba enroute na rito sa NHQ because sila ang mag-cocollate lahat,” pahayag ni Azurin.
Sinabi ni Azurin na ang lahat ng mga isinumiteng courtesy resignation ay ipapasa sa 5-man committee na bubuuin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang Commander-in-Chief, para sa pag-review o pag-aaral sa mga ito.
Aniya, posibleng maimbestigahan at maharap sa kasong administratibo ‘yun mga nagpakalat ng “message innocent” ng third level officer at kung bakit kailangan magsumite ng kanilang resignation.
Isinaad ni Azurin na hindi na kailangan ang pagsasagawa ng “loyalty check” sa mga mga senior officer.
Tumanggi si Azurin na tukuyin ang mga pangalang ng bubuo ng 5-man committee mula sa 22 pangalang isinumite sa Pangulo.
Nauna rito, inihayag ni DILG Sec Benhur Abalos na isa sa mga posibleng miyembro ng komite si retired Police General ngayo’y Baguio City Mayor Benjie Magalong.(MARK OBLEADA)