Advertisers

Advertisers

Sa Marcos administration… MAGNANAKAW DUMAMI!

0 178

Advertisers

SINABI ng Philippine National Police (PNP) na isa sa may pinakamataas na kaso ng krimen sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagnanakaw.

Binigyang pansin ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na ang kaso ng pagnanakaw na naitala ng kapulisan ay tumaas mula 6,304 noong Hulyo 2021 – Enero 7, 2022 hanggang sa 6,682 noong Hulyo 2022 hanggang Enero 7, 2023.

Nangunguna rin ang rape at physical injury sa kadalasang krimen sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. ngunit hindi katulad ng pagnanakaw, ang dalawang nabanggit ay bahagyang bumaba sa mga rehiyon sa bansa.



Patuloy pa rin umano ang PNP sa masigasig na pagbabantay at pagprotekta sa kapakanan ng publiko sa ilalim ng administrasyon ni Marcos Jr..