Advertisers
NAGTUNGO na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Davos, Switzerland nitong Linggo ng umaga upang dumalo sa 2023 Annual Meeting ng World Economic Forum (WEF) mula Enero 15 hanggang 20, na nangangakong itampok ang mga pakinabang ng ekonomiya ng Pilipinas at mag-uuwi ng mas maraming pangako sa pamumuhunan.
Sa kanyang pre-departure speech, sinabi ni Marcos na angkop ang tema para sa WEF ngayong taon, “Cooperation in a Fragmented World”, dahil tumigil ang mundo dahil sa Covid-19 pandemic.
Nangako siya na i-highlight ang mga hakbang na ginagawa ng Pilipinas upang “ayusin ang mga bitak ng naturang pagkapira-piraso” sa loob ng bansa at sa pakikipagtulungan sa ibang mga bansa.
Sinabi ni Marcos na ang kanyang paglahok sa WEF Annual Meeting ay magbibigay sa kanya ng pagkakataon na makipagpalitan ng mga kuru-kuro sa mga ganitong mabibigat na isyu sa iba pang mga pinuno ng gobyerno, policymakers, business executives at entrepreneurs, civic society advocates at academic experts.
Ayon kay PBBM, ang Pilipinas ay binibigyan din ng isang natatanging pagkakataon upang i-highlight ang mga makabuluhang tagumpay sa ekonomiya na nakamit natin sa huling bahagi ng taon na pinatunayan ng mga projection ng pataas na paglago ng World Bank at ng Asian Development Bank,”
Sinabi niya na ang pagsali sa WEF Country Strategy Dialogue ay magbibigay sa kanya ng pagkakataon na isulong ang Pilipinas bilang isang “lider”, “driver of growth” at “gateway sa Asia-Pacific region–isang bukas para sa negosyo.” (Vanz Fernandez)