Advertisers

Advertisers

2 police sergeant na pumatay at sumunog sa negosyante sa N. Ecija arestado ng CIDG

0 1,057

Advertisers

DINAKIP ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Field Unit ang dalawang police sergeant, na iniuugnay sa pagdukot at pagsunog sa isang babaeng negosyante noong January 20, 2021 sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, nitong Huwebes ng umaga sa Regional Trial Court, Branch 24 ng Old Capitol Compound sa Cabanatuan City.

Personal na kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Brigadier General Romeo Carramat, ang mga suspek na pulis na sina Police Staff Sergeant June Mallillin ng Palayan City Police Station at Police Master Sergeant Rowen Martin ng Cabanatuan City Police Station na sinilbihan ng warrant of arrest para sa kasong Kidnapping for Ransom with Homicide na inisyu ni Honorable Judge Ana Marie Joson-Viterbo ng nasabing korte.

Base sa report, ang mga salarin na pulis at iba pang mga kasabwat ay dinukot ang mga biktimang sina Nadia Casar at ang Grab Driver na si Mark Batac saka dinala sa isang ‘di tukoy na lugar.



Pinakawalan din ang driver na si Batac habang naiwan si Casar na inutusan tumawag sa kanyang pamilya na magpadala ng P100,000 cash kapalit ng kanyang kalayaan subalit makalipas ang labing tatlong araw ay natagpuang patay at sunog ang bangkay na ibinaon sa lupa.

Nasa kustodiya na ngayon ng CIDG Nueva Ecija Holding and Detention Cell ang mga pulis na sina Mallillin at Martin. (KOI LAURA)