Advertisers
INAMIN ni Pangulong Marcos Jr., na hindi siya makatulog sa gabi dahil sa ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
Ikinuwento ng Pangulo kay World Economic Forum President Børge Brende na binabantayan niya ang sitwasyon sa West Philippine Sea.
Magugunitang ilang beses nang naghain ng protesta ang Pilipinas sa China dahil sa pagiging agresibo nito sa pag-angkin sa ilang lugar sa West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, nagiging tagapag-masid na lamang ang bansa tuwing may tensyon sa lugar kapag may dumadaan na Chinese o US warships.
Nilinaw naman ng Punong Ehekutibo wala naman away ang Pilipinas sa China.
Pero ang problema ay ang patuloy na pag-angkin ng China sa mga teritoryo na sakop na ng Pilipinas kahit na mayroon nang desisyon ang Permanent Court of Arbitration.
Sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa China kamakailan, nagkasundo sila ni Chinese President Xi jinpin na idaan sa “friendly consultation” ang naturang isyu.