Advertisers

Advertisers

Calvin Reyes masaya sa role sa pelikulang ‘Sa Kanto ng Langit at Lupa’

0 426

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

NAKARAMI na rin pala ng pelikula ang former Clique V member na si Calvin Reyes.
Kabilang sa movie na nagawa niya ang Fall Guy, Tahan, The Influencer, Showroom, Bugso, Affair To Forget, Sa Kanto Ng Langit at Lupa, at A Cup of Flavor.
Ang A Cup of Flavor ay tinatampukan nina JC Santos, Sean de Guzman, Barbie Imperial at Rowan Diaz. Mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, ito ay under ni Direk Ma-an L. Asuncion-Dagñalan at sa panulat ni Quinn Carrillo.
Sina Sean, Quinn Carrillo, Rob Guinto, Marco Gomez, Jiad Arroyo, Mon Mendoza, Itan Rosales, Jiad Arroyo, Rowan Diaz, at iba pa ang tampok sa Sa Kanto Ng Langit at Lupa. Ito ay mula sa pamamahala ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.
Ang huli ang latest project ni Calvin, ano ang role niya rito?
Esplika niya, “Iyong pinakabagong project ko po yung sa Kanto ng Langit at Lupa. Bale gangster at tulak ng shabu po ako rito na laging hinahanap o hinahabol si Sean na gumaganap bilang si Kaloy.
“Kasi runner po namin siya rito at hindi niya agad naibibigay sa amin yung pera na pinagbentahan ng shabu.”
Paano siya napasok sa Click V?
Pahayag ni Calvin, “Natatandaan ko po noon, isinama lang po ako ni mama sa birthday ni Karl (Aquino), tapos nakita po ako ni Nanay Len and sinabihan niya po ako na pumunta raw po ako sa studio at mag-audition po.
“Sa totoo lang po, wala po talaga akong talent noon sa pagsasayaw at pagkanta… then binigyan po ako ni Nanay Len ng three months para mag- dance training and voice lesson po.”
Ano sa palagay niya ang pelikulang pinaka memorable o magandang project na naibigay sa kanya?
“Ang pinaka-memorable or magandang project po na movie na nagawa ko para sa akin ay yung sa Kanto ng Langit at Lupa. Kasi maganda po yung role ko rito at madami po akong natutunan na aral kay direk Joel po,” nakangiting sambit pa ni Calvin.