Advertisers

Advertisers

Batang Pier tatanda na ba?

0 162

Advertisers

LeBron Countdown. 224 na puntos na lang kailangan ni King James para abutan si Kareem Abdul Jabbar ang all-time scoring leader ng NBA. Naka 37 kasi siya sa W vs sa Portland kahapon.

Naging numero uno si Jabbar noon pang ika-5 ng Abril 1984 nang maungusan niya ang kapwa seven-footer na si Wilt Chamberlain.

Bale 39 na taon na nakalipas. Ni hindi pa nga isinisilang ang may suot ng jersey #6 ng Lakers na sisira pala ng naitala ng dating kilala bilang Lew Alcindor.



Halos apat na dekada na bago may magtatala ng panibagong kasaysayan.

***



Maiba na ba ang kapalaran ng Northport sa pagbalasa ng mga puwesto ng ciach at manager?

Eka ni Ka Berong ay dapat din hindi basta i-trade mga key player ng Batang Pier sa mga malalakas ng prangkisa.



Kqbilang sa mga dati nilang player na nawala ay sina Jaime Malonzo, Christian Standhardinger at Stanley Pringle. Naku puro nasa Ginebra na ang mga pangalang nabanggit. Hala, panay mga key cager pa ngayon ni Coach Tim Cone.

Kasi magiging parehas din ang resulta sa pag-upo ni Bonnie Tan bilang HC at niPido Jarencio na TM. Korek si Kaka.

***

Sa isang buwan ay magkakaroon tayo ng Part 2 para sa paksa na golden era ba ng Ph sports ang martial law era sa programa nating OKS sa DWBL 1242 KHz.

Kung noong unang bahagi ang espesyal na bisita ay ang batikang sportswriter na si Lito Cinco, sa ika-20 ng Pebrero ay mga panauhin natin ang mga sikat ng broadcaster na sina Sev Sarmenta at Ron de Los Reyes.

Sabayan ding mapapanood ang episode mula sa ika-4 hanggang ika-5 ng hapon sa Facebook Live at YouTube.

Hatid yan sa atin ng Biofresh anti-microbial socks, underwears at accessories.