Advertisers
Patay ang isang Senior High School student nang tumalon mula sa ika-9 na palapag ng Lucio Tan Building ng University of the East sa Samson Road, Barangay 80 Caloocan City Lunes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Marc Mendiola y Manacmol, 19, ng Blk.35 Lot 61, Maliputo St. Navotas City.
Sa isinumiteng ulat kay Caloocan City Chief of Police Col. Ruben Lacuesta, ayon sa isang utility ng UE Caloocan na kinilalang si Ariel Victoria Mallari, 6:25 ng umaga nang makarinig ito ng kakaibang tunog na bumagsak mula sa gusali ng paaralan at nang tuntunin niiya ito tumambad sa kanya ang nakabulagtang katawan ng biktima sa kanal.
Agad isinugod ang biktima sa nabanggit sa MCU Hospital subalilt idineklarang wala ng buhay 10:30 ng umaga sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan ng biktima.
May iniwang suicide note ang biktima na bahagi ngayon ng imbestigasyon ng Caloocan PNP.
Pinamamadali naman ni Northern Police District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr., ang imbestigasyon sa tunay na dahilan ng pagpapatiwakal ng estudyante at kung may foul play ba na naganap sa insidente.(Beth Samson)