Advertisers

Advertisers

AYAW NIYANG MASANGKOT TAYO SA GUSOT

0 161

Advertisers

KAIBIGAN ng lahat. Yan ang pirmis na paninindigan ng ating Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) para masiguro ang katatagan ng ating ekonomiya at mapanatili ang kapayapaan.

Kaya nga marami man ngayon ang nagkakampi-kampihan lalo na sa hanay ng malalaking bansa, ang Pinas sa ilalim ng Administrasyong Marcos ay mananatiling ‘neutral’ sa lahat.

Ito ay para di tayo masangkot sa anumang gusot lalo na sa magkatunggaling rehimen ng Estados Unidos (US) at ng Tsina.



Nagagawa ni PBBM na makipag-kooperasyon sa US habang nakikipag-ugnayan sa China sa mga bagay na makaka-apekto sa relasyon natin sa kanila para maibsan ang tensiyon.

Ito ay kahit na may magka-ibang posisyon ang Pinas at China sa isyu ng South China Sea na dinisisyunan na ng Permanent Arbitration Court sa Hague na pumapabor sa atin at nagpapawalang bisa sa pang-aangkin ng China noon pang 2016.



Diniskartehan ito ni PBBM nang pumunta siya sa China at kinausap si Chinese President Xi Jinping na dapat ang mga harapan ng mga bilateral team ng bawat bansa ay makasama ang mga senior officials ng bawat panig.

Sa kabila nito, nakikipag-usap din si PBBM sa US, na palakasin ang depensa ng bawat bansa sa pamamagitan ng pinalakas na Sandatahang Lakas na nagbabantay sa Pilipinas at mga yamang dagat natin.



Pero di pumapayag si PBBM na buksan muli ang mga base militar ng US sa Clark at Subic, at ipinapaliwanag sa mga Kano na ito ay isinasaad ng ating Saligang Batas.

Sa China, isa sa nilalakad ni PBBM ay ang pagsasara sa usapan na kailangan may parte tayo sa anumang likas na yaman na makukuha sa pinagtatalunang teritoryo sa karagatan. Malaking ginawaha sa atin kapag ito’y magkatuluyan. Wala pang gusot na iiwanan.