Advertisers

Advertisers

Butas ng batas at impluwensya equals kalayaan ng mayamang kriminal

0 207

Advertisers

MARAMI ang nadismaya sa pagpalaya sa dating chief of staff ni ex-Senator ngayo’y Presidential Legal chief Juan Ponce Enrile na si Gigi Reyes.

Si Reyes, nakulong dahil sa pork barrel fund scam, ay pinalaya ng Korte Suprema matapos bigyang-timbang ng kataas-taasahan hukuman ang kanyang petition para sa ‘Habeas Corpus’.

Bumilang ng halos siyam na taon sa loob ng kulungan si Reyes.



Naunang napalaya ang kanyang “boss” na si Enrile noong August 2015 matapos payagang magpiyansa ng P1 million sa naturang kaso dahil daw sa kanyang health condition. Pero 98 anyos na siya ngayon at nagtatrabaho pa sa gobyerno, Legal Chief ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. Yun ba ang may problema sa health? Nabudol ang korte. Tsk tsk tsk…

Ang rason naman ng pagpalaya kay Reyes ay dahil napagkaitan daw ito ng kalayaan, tinulugan daw ng graft court ang kanyang kaso, kungsaan inabot na ito ng halos siyam na taon sa kulungan na hindi parin natatapos ang paglilitis.



Tama rin naman ang Korte Suprema sa pagpabor sa petition ng Habeas Corpus ni Reyes.

Ang desisyong ito ng Korte Suprema ay maari nang gamitin sa ibang kaso na inaabot na ng dekada sa kulungan ang akusado ay hindi parin nadedesisyunan ng hukuman. Pero depende raw ito sa tirada ng depensa. Yun lang!



Sabi naman ng Korte Suprema, ang decision nito ay hindi pagpawalang-sala kay Reyes, haharap parin ito sa paglilitis ng Sandiganbayan. Iginawad lang sa kanya ang karapatan para maging malaya.

Tuwang tuwa naman ang kampo ni dating Justice Secretary at dating Senador Leila de Lima na mag-anim na taon naring nakakulong pero hindi parin natatapos ang paglilitis sa kasong “tahi-tahi” ng nakaraang administrasyon.

Si De Lima ay kinasuhan ng nakaraang Duterte administratrion ng pagiging protektor daw ng convicted drug lords sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Pero lahat ng convicted criminals sa Bilibid na tumestigo laban sa kanya ay nagwidro na, nagsabing napilitan lang silang akusahan si De Lima dahil sa takot sa namumuno noon.

Si De Lima ay numero unong kritiko ng nakaraang Duterte administration. Naging kasangkapan din siya sa pagpakulong kay ex-President Gloria M. Arroyo.

Si GMA ang isa sa mga sumuporta kay Rody Duterte para manalo noong 2016 presidential election. Pagkaupo ni Duterte, napawalang-sala si GMA sa kasong ‘Plunder’.

Si GMA ay nakabalik sa politika, naging House Speaker noong panahon ni Duterte, at kasalukuyang senior deputy speaker ng Marcos Jr. administration. Naging instrumento siya ng landslide win ni BBM sa Pampanga.

See? Nakita nyo na ang mga koneksyon, at kung paano nabababoy ang mga batas ng Pilipinas. Mga batas na butas butas! Onli in da Pilipins!

***

Umiikot daw ang tumbong ng mga taga-Customs at Agriculture matapos pangalanan sa Senado ang mga smugglers na matagal nang nag-o-operate sa mga pamgunahing port ng bansa pero hindi raw kilala ng mga taga-bureau.

Paano kasabwat sila sa smuggling! Fuck! fuck!! fuck!!!