Advertisers

Advertisers

56-ANYOS RETIREMENT AGE, LUSOT NA SA KAMARA

0 186

Advertisers

INAPRUBAHAN na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagpapababa sa retirement age ng mga kawani ng gobyerno mula sa 60 anyos pababa sa 56.

Ipinasa ng mga kongresista ang proposed measure sa bisa ng 268 votes, isa ang tutol at isa ang abstain.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, magbibigay ito ng pagkakataon sa mahigit isang milyong manggagawa sa burukrasya na magretiro ng mas maaga.



Sakaling maisabatas, maari na tumigil sa pagtatrabaho, tumanggap ng benepisyo, gawin ang mga nais nilang aktibidad at i-enjoy ang pagreretiro kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay bago maging senior citizens.

Sa pamamagitan ng panukala, tiyak na mas dadami pa ang mga empleyado na malalagay sa mas maayos na kondisyon.

Naniniwala si Romualdez na magkakaroon ng mas masayang buhay ang mga magreretirong gov’t. employee dahil sa wala na silang haharapin na mga work-related stress.

Konsolidasyon ang ipinasang House Bill No. 206 ng labingtatlong kahalintulad na panukala. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">