Advertisers

Advertisers

Gov. Mamba inupakan ng Malakanyang sa paghamak sa mga guro

0 314

Advertisers

PUMALAG ang Malakanyang sa pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba na dapat na bawasan ang sweldo ng mga guro dahil wala namang ginagawa habang may pandemya sa COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi totoo na walang ginagawa ang mga guro.
Katunayan, nagpapasalamat aniya ang Palasyo sa sakripisyo ng mga guro kung kaya naging matagpumpay ang pagbubukas ng blended learning noong October 5.
Ayon naman kay Education Secretary Leonor Briones na bagaman ilang buwan na walang pasok sa eskwela, naging abala naman ang mga guro sa pagsasailalim sa training para sa blended learning.
Ang mga master teachers aniya ang gumawa ng mga modules habang ang mga school superintendent naman ay panay ang trahabo para sa learning continuity program.
Maaring hindi aniya pisikal na nagtuturo ang mga guro dahil may pandemya subalit naging abala pa rin para sa paghahanda ng klase noong Oct. 5.