Advertisers

Advertisers

Lalaki tiklo sa pag-scam sa mga UV express at TNVS drivers

0 295

Advertisers

Dinakip sa pamamagitan ng “citizen’s arrest” ang isang lalaki nang lokohin at kunan ng pera ang isang grupo ng mga UV express at TNVS driver at operator sa Quezon City.
Kinilala ang inaresto na si Rowell Oliva.
Sa ulat, inalok ni Oliva ang isang grupo ng mga driver at operator para maging shuttle service ng malalaking kumpanya.
Ayon sa mga naloko ni Olivia, na pinangakuan sila nito ng P90,000 hanggang P120,000 na kita kada kapalit ng membership fee at bayad sa pag-asikaso niya sa iba’t ibang permit.
Ang isa sa mga biktima na si Jack Austria, nakuhanan ng P60,000 pati ang 27 pa niyang kasamahang driver.
Ngunit hindi natupad ang alok ni Oliva at walang biyaheng nangyari.
Hindi rin daw ito ang unang beses na may naloko ang suspek.
“2018 siya ang nag-offer po sa akin na maglakad ng prangkisa para sa UV express. Hanggang 2019 po, fully paid ko ‘yung P80,000. Tapos hindi ko na po na-contact, kahit sa messenger nag-reply pero binlock niya na po ako,” sabi ng isa pang biktima na si Sherwin Himantog.
Aabot daw sa P1 milyon ang nakuha ni Oliva mula sa mga biktima.
Kaya nagsama-sama ang nasa 50 nabiktima ni Oliva para arestuhin ito.
Sinabi ni Police Leiutenant Colonel Melchor Rosales, Station Commander ng Fairview Police, na nagkataon naman na may mga pulis sa lugar at rumesponse sa ginawang citizen’s arrest ng mga operator.
Depensa ng suspek, nabiktima lang din siya ng mga tunay na scammer.
Itinuro ni Oliva ang isang alyas “Marian” at “Mike” na nanloko umano sa kaniya, ngunit hindi niya naipakita ang kanilang mga litrato na magpapatunay na mga totoong tao ang mga umano’y scammer.
Desididong sampahan ng mga driver at operator ng kasong estafa si Oliva.(Boy Celario)