Advertisers

Advertisers

Lotlot aprub magkaapo kay Janine pero may kondisyon

0 367

Advertisers

HANDA si Lotlot De Leon na sa pagbuo ng pamilya rin ang tungo ng kanyang mga anak na sina Janine, Jessica, Diego at Maxine Gutierrez.

Habilin nito na magtapos muna sila ng pag-aaral at tinupad naman ng magkakapatid na tapos na sa kolehiyo ang ate at kuya ni Maxine at ang bunso ay katatapos lang ng high school.

Isa pang payo ni Lotlot sa kanyang mga dyunakis na i-enjoy ang pagiging single.



Sa latest vlog ni Janine eh kasama pa niya si Lotlot na marami ang natuwa sa bonding ng mag-ina.

Never pinagbawalan ni Lot na ma-inlove ang panganay na anak na dyowa ni Rayver Cruz.

Kung ang ibang celebrity mom eh atat na magkaapo, ganun din naman si Lotlot.

Hindi naman niya minamadali sa pag-aasawa si Janine, bagkus sinabi pa ng anak ni Nora Aunor na i-enjoy muna nito ang pagiging single.

Hindi pa balak mag-asawa ng panganay pero may kondisyon si Lotlot na kung magkakaapo man siya eh dapat daw na maganda at guwapo ang mga ito.



***

Gerald, Kim, Coco at Angel, tuloy sa pagbibigay-aliw online

MAS nauna ang Kapamilya network na nag-digital kaya naman kahit hindi nabigyan ng prangkisa ang network eh tuluy-tuloy ang pagpapalabas ng kanilang programa.

Sa Kapamilya Online Live, eh patuloy na mawa-watch ng followers nila ang kanilang mga idol.

Dahil sa iba talaga ang mga show ng Dos at marami ring netizens na ayaw mawala kahit man lang sa digital platform ang Kapamilya show.

Ilan sa mawa-watch ng mga solid netizen sa Kapamilya Online Live ang mga programa ng Magandang Buhay, MMK, Love Thy Woman, Ang Probinsiyano, The General’s Daughter at A Hearts Soldier at iba pa.

Dahil halos lahat ng netizens eh naka-online kaya never na nga raw nila mami-miss ang kahit na anong programa ng Dos na mapapanuod na through digital, ang Kapamilya Online Live.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)