Advertisers

Advertisers

Walang holiday sa pagbabantay ng team QCPD

0 12

Advertisers

Holy Week – sa tuwing ginugunita ng buong ang sakripisyong ginawa ni Kristo Hesus sa kalbaryo para sa kaligtasan ng sanlibutan, nandyan iyong mga isinasabay kababayan natin na isinasabay ang mataimtim na pagninilay at pagpapahinga para sa Mahal na Araw.

Pero sa kalagitnaan ng lahat, pinatunayan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamumuno ni PBGen. Randy Glenn Silvio na ang kampanya laban sa kriminalidad ay walang baka-bakasyon. Ang mga kalalakihan at kababaihan ng “Team Kyusi” ay nagpadala ng malinaw na mensahe sa mga elemento ng krimen – ang kamay ng batas ay mas lalong humahaba sa panahon ng bakasyon.

Ang mga nakaraang operasyon sa “Warrant Day” nitong Huwebes at Biyernes Santo na nagresulta sa pagkakadakip ng 20 wanted na katao ay higit pa sa simpleng istatistika—patunay ito na laging handa at tumatangging magpakampante ang QCPD.

Tulad ng pagbabantay sa Gitna ng Panata – mga operasyong pangseguridad tuwing Mahal na Araw ay masasabing may kahirapan dahil sa dagsa ang mga manlalakbay at ang konsentrasyon ng mga tao ay sa mga simbahan at transport hubs pero sa kabila ng lahat nagawa ng QCPD na balansehin ang pagbibigay ng tulong sa publiko at panatilihin ang manhunt operations laban sa mga wanted person at pagpsapsatupad ng kampanya laban sa krminalidad.

Ang pag-aresto sa mga high-profile na pugante—gaya ni alias “Adrian,” ang No. 1 Most Wanted Person para sa kasong murder ay nagpapakita ng antas ng dedikasyon na higit pa sa karaniwang pagpapatrolya. Ang pagtunton sa isang suspek hanggang sa Eastern Samar habang ang lungsod ay naghahanda para sa Semana Santa ay nagpapatunay na ang “precise operations” ay hindi lamang slogan, kundi isang pamantayan para sa DSOU at mga station-level units.

Ang kapansin-pansin sa sunod-sunod na tagumpay na ito ay ang iba’t ibang uri ng espesyalisadong pag-aresto – ang pagkakadakip sa mga repeat offenders gaya ni alias “Pornes” (6 counts ng Qualified Rape) at alias “Bayani” ay nagsisiguro na ang mga pinaka-vulnerable sa ating lipunan—ang ating mga anak ay mas ligtas.

Isa pa ay ang mabilis na pagtugon ng Novaliches PS 4, na nakahuli sa isang “Akyat-Bahay” suspect sa loob lamang ng isang oras matapos ang krimen ay nagpapakita ng bisa ng Enhanced Managing Police Operations (EMPO).

Sa patuloy nsa pagpapatupad ng QCPD sa programang “Triple A” at ang integrasyon ng E911 response at video surveillance (gaya ng nakita sa robbery sa Brgy. San Bartolome) ay nagpapakita ng isang modernong puwersa. Sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya at footage mula sa mga mamamayan, sinasara ng QCPD ang pagkakataon para sa mga kriminal na nag-aakalang ang holiday ay isang “ligtas na window” para sa paglabag sa batas.

Pero ang katotohanan ang kaligtasan ng publiko ay isang 24/7 na pangako. Habang ang mga residente ng Quezon City ay mapayapang nag-o-obserba ng kanilang tradisyon sa Mahal na Araw, ito ay dahil sa tahimik at walang pagod na pagtatrabaho ng mga opisyal na isinakripisyo ang sarili nilang pahinga upang magsilbi.

Nagtakda ang QCPD ng mataas na pamantayan para sa taong 2026. Ang kanilang “Warrant Day” ay nagsisilbing babala: Sa Quezon City, walang holiday ang hustisya, at walang santuwaryo para sa mga lumalabag sa batas. Sa pagbabalik ng normal na takbo ng lungsod, ito ay mas ligtas na ngayon dahil sa dalawampung banta na nawala sa ating mga lansangan.