Advertisers
NAHAHARAP ang dating pulis sa kasong panggagahasa nang maaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulisya sa isinagawang operasyon, Sabado ng hapon.
Kinilala ang naaresto na si alyas Lucas, isang retiradong miyembro ng Philippine National Police (PNP), may asawa, at kasalukuyang residente ng Barangay Kiling Norte, Batac, Ilocos Norte at tubong Brgy. Tallag, Cabagan, Isabela na binansagang No. 2 City Most Wanted Person ng Batac kaugnay ng kasong Rape.
Sa ulat, 2:15 ng hapon ng April 4, 2026 nang maaresto ang suspek sa loob ng Camella Homes Subdivision, Brgy. Larion Alto, Tuguegarao City, Cagayan.
Pinangunahan ang operasyon ng Cabagan Municipal Police Station (MPS) katuwang ang RIU2-PIT Isabela East, Provincial Intelligence Unit (PIU), at 201st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2).
Isinagawa ang pagdakip sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas Oktubre 14, 2024 ng Judge ng Family Court, First Judicial Region, Branch 6 sa Batac, Ilocos Norte.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabagan MPS ang suspek habang inihahandang i-turnover sa hukuman na naglabas ng warrant. (Fidel Coloma)