Advertisers

Advertisers

Raffy ‘perfect match’ makasama ni Kris sa show; LizQuen pareho na ng manager

Kung 'di ubra kay Pacman...

0 279

Advertisers

KUNG noon ay napabalitang gagawa ng TV show si Kris Aquino, kasama ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, maraming netizens ang nagtaas ng kilay.

Para sa kanila, no match si Pacman sa galing ng ex-presidential sister na mag-host.

Anila, dahil sa angking talino ni Kris ay malamang na pakainin niya ng alikabok ang pride of Saranggani.



Dahil may gagawing show si Kris sa TV5, lumutang naman ang espekulasyon na may naggro-groom sa tambalan nila ng “King of Public Service” na si Raffy Tulfo.

Katunayan, lumakas ang bulung-bulungan sa pagdalaw ni Kris sa studio mismo ni Raffy.

Lalo pang napagtibay ito nang sabihin ng actress-TV host at social media influencer na fan siya ng matapang na broadcast journalist.

Naging prangka rin ito nang sabihing magkaibigan sila ng kapatid ni Idol na si Mon Tulfo kahit pa nga raw ayaw nito sa kapatid niyang si former President Noynoy Aquino.

Humirit din si Kris na pangarap nitong makatrabaho ang tinaguriang numero unong ‘sumbungan ng bayan.’



Panay rin ang papuri ni Kris kay idol lalo na sa pagtulong nito at pagtatanggol sa mga kababaihan na labis daw nitong hinahangaan.

Hindi rin pinalagpas ng aktres na purihin ang koleksyon ng mga sapatos ni idol samantalang si Raffy ay inamin naman na pinanonood niya ang mga vlog ni Kris.

Dahil dito, maraming netizen ang naaliw sa kanilang dalawa.

Hirit nila, perfect match ang dalawa at napapanahon na para magsama sila sa isang talk o public service show.

***

DAHIL nagsara na raw ang ABS-CBN dahil hindi nabigyan ng panibagong prangkisa, nagpaalam na raw ang kampo ni Enrique Gil na i-co-manage na lang ni Mommy Bambi, mudra ni Quen ang anak with Star Magic.

May blessing daw naman ito ng Star Magic lalo pa’t sa panahon ng pandemya, kailangan din namang kumita ng mga artistang apektado ng krisis tulad ni Quen.

Pero dahil daw sa busy sa negosyo si Mommy Bambi, ipinasa raw nito ang pag-co-manage ni Quen with Star Magic kay Ogie Diaz, manager ni Liza Soberano.

At least with Ogie, mas maproprotektahan daw nito ni Quen dahil alam nito ang pasikut-sikot ng showbiz.

Sa ganitong paraan, mapapangalagaan din daw nito ang love team ng LizQuen sa paraang gusto nitong i-package. – (Archie Liao)