Advertisers

Advertisers

Dolomite sand walang panganib sa kalusugan – DENR

0 259

Advertisers

NANINDIGAN ang Department of Environment and National Resourcers (DENR) na hindi mapanganib sa kalusugan ang Dolomite Boulders sa Manila Bay.
Ang paglalatag ng Dolomite Boulders sa Manila ay bahagi ng beach enhancement program ng DENR na nagkakahalaga ng P389 milyon.
Sa deliberation ng Committee of Appropriations kahapon ay nilinaw ni DENR Sec. Roy Cimatu na sinadya umano nilang piliin ang bahagyang malalaking particles ng artificial white sand na gagamitin para sa muling pagpapaganda ng Manila Bay.
Ayon pa kay Cimatu, nagsagawa muna sila ng pag-aaral bago bilhin ang buhangin mula sa Alcoy, Cebu.
Dagdag pa ni Cimatu, hindi madaling malalanghap ito o magdudulot ng human health problems.
Taliwas ito sa patutsada ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na magdudulot ng mga sakit kung sakaling malanghap o malunok ang naturang synthetic white sand sa oras na pinoproseso ang paggawa nito. (Josephine Patricio)