Advertisers
UMABOT na sa P82-bilyon ang cash assistance na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 13.7 milyong benepisyaryo sa ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP 2).
Ito ang inihayag nitong Miyerkules, Setyembre 9, ni DSWD Under Secretary Rene Glen Paje.
Ayon pa kay Paje, naipamahagi ang pinansiyal na tulong sa pamamagitan ng manual at digital.
Dagdag ni Paje na kasama sa mga nabigyan ng ayuda sa SAP 2 ang mga residente sa Bacolod City na ngayon ay nasa ilalim ng Modified Community Quarantine (MECQ).
Nilinaw ni Paje na dahil hindi sakop sa SAP 2 ang Iligan City hindi ito mabibigyan ng tulong pinansiyal. (Josephine Patricio)