Advertisers

Advertisers

Pagbubukas ng internet cafe ipinauubaya na ng Palasyo sa mga mayor

0 253

Advertisers

IBINIGAY na ng Malakanyang sa mga mayor ang pagpapasya kung papayagan nang magbukas ang operasyon ng mga internet cafe.
Ito ay para magamit bilang online learning facility ng mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi kasi maikakaila na karaniwang ginagamit ang mga internet cafe sa gaming at social media.
Maliit din ang espasyo ng mga internet cafe kung saan nagsisiksikan ang mga customer.
Tiyak na ikukunsidera ito ng mayor bago magpasya kung papayagang magbukas o hindi ang mga internet cafe.