Advertisers
QUEZON CITY— Mula sa pagiging frontrunner, lagapak ngayon si Rep. Franz Pumaren sa Pulso ng Bayan survey.
Ayon sa poll na isinagawa nitong huling linggo ng Abril, nangunguna si dating Konsehal Allan Benedict Reyes na may lang 49%, habang 45% at pumapangalawa lang ang si Pumaren; 6% ang undecided.
Kasabay ng pagbaba ng numero ni Pumaren ay ang graft case na inihain ng Ombudsman kaugnay ng P47‑milyong Multi-Purpose building sa Barangay Pansol na hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasakatuparan.
Ayon sa reklamo, naaprubahan na ang pondo ngunit mistulang “ghost project” ang gusali—walang pader, bubong, o palatandaan ng konstruksyon. Nauwi lamang ito sa termination bagamat may kaukulang mobilization funds.
May viral na litrato rin ng sinasabing bahay sa White Plains na nakapangalan sa anak ni Pumaren—parehong barangay na tumanggap ng halos P100‑milyong pondo para sa isa pang multipurpose building, na hindi pa rin tapos.
Usap‑usapan din online ang umano’y mansion sa Tagaytay na kaniyang pag‑aari. Namukod‑tangi rin ang koleksyon niyang mamahaling luxury watches na viral sa social media na aabot sa halagang P54-milyon.
Kung magpapatuloy ang ganitong ihip ng hangin, malabong makabawi si Pumaren sa natitirang panahon bago ang Mayo elections.
Mananatili bang nakatali ang QC3 sa isyu ng unfinished projects? Abangan sa Mayo.