Advertisers
KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng isang babae nang pagsasaksakin ito ng 30 beses ng magnanakaw na pumasok sa kaniyang apartment sa Caloocan city.
Kinilala ang biktima na si Chrisna Hipolito, 26 anyos.
Ayon sa kaniyang kasintahan, isang lalaki ang kumatok sa apartment ni Chrisna nitong September 11 at nagsabing may hinahanap siyang maitim at matangkad na lalaki.
Kahit sinabi na ng biktima na wala silang kilalang ganon, bumalik daw ang lalaki at kumatok ulit sa pinto ni Chrisna.
Nang pagbuksan ng pinto ni Hipolito, inundayan na raw ng sunud sunod na saksak ng lalaki ang biktima.
Sa report, kinuha ng salarin ang tatlong cellphones at wallet ni Chrisna.
Agad naman nahuli ang salarin.
Ayon sa ulat, pagnanakaw ang motibo ng salarin.
Hindi raw siguro akalain ng magnanakaw na may tao sa apartment kaya niya napatay ang biktima.
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.