Advertisers

Advertisers

DBM naglabas ng maling notice to the public

Isinumbong kay Pangulong Duterte

0 690

Advertisers

SUMULAT at nagpadala ng reklamo sa tanggapan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang isang general manager ng isang construction company na dating sports writer ng Manila Bulletin at isinumbong ang umano’y nagaganap na katiwalian sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa isang pahinang liham sa Pangulong Duterte ni Virginia Rodriguez, sinabi nito na siya ay biktima ng maling akusasyon makaraang nagpalabas ang DBM ng umano’y maling Notice to the Public.

Nakasaad sa Notice to the Public ang mga katagang “This is to warn the public of the recently reported incidents regarding individuals claiming to have the capacity or influence to facilitate the release of funds to Local Government Units (LGUs). Based on reports received by various LGUs, The Following individuals are misrepresenting themeselves as employees of the DBM.



Kabilang ang pangalan ni Rodriguez at apat na iba pa ang tinukoy ng DBM.

Mariing pinabubulaanan ni Rodriguez ang akusasyon at sinabing wala siyang kakayahan para impluwensiyahan ang DBM.



Ipinagtataka rin ni Rodriguez kung bakit naglabas agad ng notice po the public ang tanggapan ni Dir. Thea Marie Corinne Palarca, Director IV ng DBM na hindi man lamang muna nag-imbestiga sa halip ay sinira kaagad ang kanyang pangalan at apat na iba pa.

Sa sulat sa Pangulo ni Rodriguez ay tinukoy nito na ang dati nitong agent na si Christine Escalante Reuyan na kanyang sinibak ay umano’y nasa likod paninira sa kanya.



Si Reuyan una na ring kinasuhan ni Rodriguez sa Las Pinas prosecutors office ng kasong grave threats dahil sa kanyang mga pagbabanta.

Naka-blotter din sa National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Reuyan at tatlo pa nitong kasama na nagbabanta sa buhay ni Rodriguez.