Advertisers
LABINDALAWA katao ang inaresto ng mga tauhan ng Southern Police District sa anti-drugs operation kungsaan nasamsam ang P20,400,000 halaga ng shabu sa Taguig City nitong Miyerkoles.
Kinilala ni National Capital Region Police Office director, MGen Debold Sinas, ang mga nadakip na sina Patrick Ace Tinga, 24; Tom Jovy Cruz, 30; Charles Reyes, 17; Juan Miguel Llaguno, 17; Elmer Bautista, 34; Wenston Ray Lopez, 20; Jessie Aviles, 24; Jomari Lopez, 19; Chris Klein Lopena, 19; Adrian dela Cruz, 22; John Paul.Esteban, 26; at John Christian Roxas, 34, pawang sinampahan ng kasong paglabag sa pag-iingat ng bawal na gamot.
Sa ulat na natanggap ni BGen Emmanuel Peralta, direktor ng SPD, ang mga suspek ay naa-resto sa operasyong isinagawa ng mga tauhan ng Taguig City Police sa pangunguna ni Col Celso Rodriguez sa 112 N.P. Mariano St., Barangay Ususan, Taguig City 5:30 ng hapon.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 30 malalaking plastic ng shabu na may street value na P20.4 million, 27 plastic na naglalaman ng tuyong dahon ng marijuana na umaabot sa halagang P50,000, 3 timbangan, 2 mobile phones at marked money sa iba’t ibang denominasyon. Nakuha rin sa mga suspek ang isang blue book na naglalaman ng mga pangalan ng kanilang kliyente.
(Lea Botones/ Gaynor Bonilla)