Advertisers
Quirino – Halos 500 pamilya mula sa Barangay San Pugo, Nagtipunan, Quirino ang inilikas dahil sa pagkakaroon ng malalaking uka sa lupa at bitak sa kinatatayuan ng kanilang mga hayan na sanhi ng malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.
Ayon kay Mayor Nieverose Meneses ng Nagti-punan, pansamantalang lumikas ang ilang residente ng Barangay San Pugo matapos maglitawan ang malalaking bitak at umukang lupa sa kinatatayuan ng kanilang bahay.
Sinabi pa ni Mayor Meneses na dahil sa pangyayari at panganib na maaaring idulot ng pagbitak na lupa ay plano ng lokal na pamahalaan na magtayo na ng relocation site para sa mga apektadong pa-milya.
Karamihan narin sa mga pangunhing kalsada sa Nagtipunan ay hindi narin maaaring daanan ng malala-king sasakyan dahil sa ilang serye ng landslide at mga bitak. ( REY VELASCO)