Advertisers
SA sobrang kasabikan sa romansa, nasawi ang isang lolo nang atakehin sa puso habang nasa gitna ng pakikipagtalik sa kanyang nobya sa Compostela, Cebu.
Binawian ng buhay habang isinasalba sa Cebu Provincial Hospital ang biktima na itinago sa pangalan Mang Kanor, 64, retired government employee ng bayan ng Catmon, Cebu City.
Sa report, 4:00 ng hapon nitong Lunes nang maganap ang insidente sa isang beach resort sa naturang lungsod.
Ayon kay Police Captain Vincent Zozobrado, hepe ng Compostela Police Station, kasama ng biktima ang kanyang nobya na itinago sa pangalan Lorna, 28, residente ng nasabing lugar.
Kuwento ni Lorna, una silang nagkakilala ni Mang Kanor sa social media hanggang sa magkaroon sila ng relasyon at una nilang date sa beach resort.
Ayon kay Lorna, habang nasa loob sila ng kanilang silid, kapwa sila nakahubad ni Kanor kaya labis na nasabik ang huli sa kanya habang hinahalikan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.
Nanggigil umano si Kanor sa kanyang katawan habang hinahalikan ang malusog niyang dibdib hanggang sa dumaing na lamang ng pananakit ng dibdib ang matanda.Tumigil muna ito at umupo saglit subali’t bigla na lamang itong bumagsak sa sahig.
Kaagad nadala sa ospital ang matanda pero binawian din ng buhay dahil sa atake sa puso.(James de Jesus)