Advertisers

Advertisers

Naiwang basura sa Marikina katumbas ng 1 taon na kalat – Mayor

0 286

Advertisers

BINUNGKAL ng magkasanib na pwersa ng Marikina City at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga naiwang basura ng bagyong Ulysses.
Isa ang Marikina sa mga nakaranas ng matinding pagbaha, maliban pa sa malakas na hanging dala ng nagdaang bagyo.
Bago ito, nagpulong muna nitong Miyerkules sina Mayor Marcy Teodoro at MMDA Chairman Danilo Lim sa gagawing clean up drive.
Sinabi ng nagtulong-tulong na street sweepers at volunteers na hirap sila sa pagtanggal ng mga kalat. Kaya minabuti narin nilang paganahin ang heavy equipment ng MMDA.
Inaasahang matatanggal ang mahigit 100,000 toneladang basura na katumbas ng para sa isang taon na nahahakot na basura sa lungsod.
Nagpahirap pa sa pag-alis ng mga kalat ang pagkakababad ng mga ito sa putik.
Nagbabala naman ang local health officials na kasabay ng paglilinis, tiyakin parin dapat ang pag-iingat laban sa leptospirosis at iba pang sakit.(PFT team)